YUNIT I
ARALIN 1
Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa
WIKA |
Itoy may apat na litra pero nag bubuo ng napakaraming halaga.
Ang wika itoy dahilan kung bakit tayung mga tao ngayun ay may pagkakaisa,pagkakaunawaan,pagkakaintindihan,at higit sa lahat ito ang dahilan kung bakit meron tayung kalayaan. Ito ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipag kapwa tao. Sa madaling salita ang wika natin ang nagbubuklod sating mga tao, ang dahilan kung bakit nagagawa nating ipabatid sa iba ang ating nararamdaman,kaisipan at diwa sa isang partikular na bagay.
LIMANG DALUYAN NG PAGKAKAHULUGAN
- TUNOG - Kung saan dito nag sisimula ang wika ng isang tao.Itoy tunog mula sa kalikasan, paligid, at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
- SIMBOLO - Itoy binubuo ng mga biswal na larawan , guhit, o hugis na may kumakatawang kahulugan.
- KODIPIKADONG PAGSULAT - Itoy isang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform .
- GALAW - Itoy tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan na nagpapahiwatig ng isang kahulugan o mensahe na gustong iparating.
- KILOS - Itoy tumutukoy sa kung ano ang ipinapahiwatig ng isang ganap na kilos ng tao.
Ang Wika ay gamit ito sa ;
- Gamit sa talastasan- pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
- Lumilinang ng pagkatuto - naisusulat ng may akda ang patuloy na pinag-aaralan ng bawat henerasyon.
- Saksi sa panlipunang pagkilos - saksi sa mga kaganapan ng bansa.
- Lalagyan o imbakan - ang lalagyan ng kaalaman ng isang bansa.
- Tagapagsiwalat ng damdamin - ginagamit sa pagpapahayag ng damamin.
- Gamit sa imahinatibong pagsulat - ang paggamit sa pagsulat ng pang akdang pampanitikan.
1. Pormal- Kung kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami.
Mga antas:
a. Opisyal na wikang pambansa at panturo
b. Wikang pampanitikan
2. Di-pormal- madalas gamitin sa pang-araw-araw
Mga antas:
a. Panlalawigan- Mga salitang diyalektal
b. Balbal- Katumbas ng slang sa Ingles.
c. Kolokyal- Salitang ginagamit sa pang-araw-araw.
KOMUNIKASYON
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon. Ang paghahatid , pakikipag-ugnayan, at pakikipagpalagayan. |
Antas ng Komunikasyon
- Ang intrapersonal antas ng komunikasyon na nakatuon sa sarili.
- Ang interpersonal antas ng komunikasyon nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
- Ang organisasyonal antas ng komunikasyon na nagaganap sa isang organisasyon.
PANGKARANIWANG MODELO NG
KOMUNIKASYON
TATLONG URI NG KOMUNIKASYON
- Ang komunikasyong pabigkas, pinakapundasyon ng anumang wika at itoy pinagsaling-kalinangan ng mahabang panahon.
- Ang komunikasyong pasulat, isa sa mahalagang salik ng kaalaman at edukasyon ng tao.
- Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter, komunikasyon habang gamit ang e-mail, chat, messenger, at social networking site.
ARALIN 2
Unang Wika, bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa
Kontekstong Pilipino
WIKANG PAMBANSA AT MULTILINGGUWALISMO
Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Sa madaling salita, realidad ang tinatawag na multilingguwalismo sa ating bansa. Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa kasalung wika. Sa Artikulo XIV, Seksiyon 6: dito isinaad "Ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang , ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang mga wika.
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang
Pagpaplano sa Wika
Ang Hegemonya ng Wikang Ingles at ang Tugon ng Pamahalaang Pilipino
- Wikang Ingles wikang dinala ng mga Amerikano
- Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog 1) pinangalanang wikang pambansa noong 1935.
- Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog(Tagalog 2) ginawang pang-akademikong asignatura noong 1940.
- Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino 1) ang pangalang tagalog ay pinalitan ng "pilipino"noong 1959
- Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino 2) pinatiling wikang opisyal at pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973.
- Ang Unang Wikang Filipino (Filipino 1) artipisyal na wikang balak buuin ng konstitusyon noong 1973 na ipalit sa bilang wikang pambansa.
- Ang Ikalawang Wikang Filipino ( Filipino 2) muling kinilala bilang wikang opisyal pang-akademiko, at pambansa noong 1987.
Monolingguwalismo - tawag sa pagpapatupad nang isang wika sa isang bansa.
Bilingguwalismo - paggamit ng dalawang wika na tila ang dalawang ito ay ang katutubong wika.
(Bilinggwal na Patakaran na Edukasyon)- nag tatakda na ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay Filipino at Ingles sa Primarya at Sekundarya.
Multilingguwalismo - paggamit ng maraming wika.
- Isa ang Pilipinas sa itinuturing multilingguwalismo na bansa.
Mother-Tongue Based - Multilingual Education ( MTB-MLE)- nangangahulugang paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar.
Aralin 3
Lingguwistikong Komunidad at Uri ng wika
Ang wikang ay ginamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag ugnayan ang bawat isa. |
- May kaisahan sa paggamit ng wika- ibig sabihin iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit.
- Nakapagbabahagi at malay ang kasapi- kinagawiang interpersonal na komunikasyon gamit ang paahiwatig ng pilipino.
- May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hingil sa gamit ng wika.
MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
Halimbawa:
- Internasyonal - United Nation;UNICEF; at iba pa.
- Rehiyonal - European Union; ASEAN; at iba pa
- Pambansa - mga bansa sa estado na may iba't ibang etnolingguwistikong pangkat.
- Organisasyon - Microsoft ;Google; Nestle; at iba pa.
Ang sosyolek ay isang barayti ng wika na kung saan ay nakabatay sa estado ng isang indibidwal sa lipunan o sa pangkat na kanyang kinabibilangan ang kanyang pagsasalita. Ito rin ay may kinalaman sa sosyo-ekonomikong katayuan ng nagsasalita.
Ang idyolek ay isang nakagawiang pamamaraan ng pagsasalita ng indibidwal na gumagawa ng kumon na wika. Itoy natatangi't espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Ang diyalekto ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o lugar. Ang mga diyalekto ay tinatawag ding wikain o salitang bernakyular. Ang mga ito ay magkakaiba sa punto, diin at pagbigkas depende sa rehiyon kung saan ito ginagamit. Nabubuo ang diyalekto mula sa pangunahing wika at nagkakaroon ng kawing ang mga grammar o bokabolaryo. Maaaring dahil sa lokasyon o relihiyoso at etniko, ay nagkakaroon ng diyalekto.
Aralin 4
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
ang Filipino bilang Wikang Global
Ang wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon ng wika.
UGNAYANG WIKA, KASAYSAYAN, AT LIPUNAN
WIKA nagbibigay buhay sa isang lipunang ginagalawan. Importanteng sangkap sa lipunan at kultura ay ang wika mahalaga sa sarili, kapwa, lipunan.Napapaunlad ng wika ang sarili. 100 ang wika at diyalekto mayroon ang Pilipinas. Baybayin ito ang katutubong palatitikan itoy naging intrumento ng kolonisasyon, pagpapaalab ng damdamin makabayan, paglikha ng identidad ng bansa, pagpapalaganap ng edukasyon, pagpuksa ng umiiral na kapangyarihang , at pagsusulong ng modernisasyon. Humaharap tayo sa iba't ibang hamon ng ating wika tulad nalamang ng bilingguwalismo, estandardisasyonat intelektuwalisasyon.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
*Panahon ng katutubo
*Panahon ng katutubo
- baybayin-katutubong paraan ng pagsulat.
- paggamit ng wikang kastila-Carlos N,1792: paggamit ng alpabetong Romano na batayan sa ABAKADANG TAGALOG.
- Matinding damdaming nasyonalismo
- Panahon ng himagsikan 1897. Saligang Batas ng Biak na Bato- Wikang tagalog ang opisyal na wika
- Almirante Dewey
- Thamasites-gurong sundalo
- Saligang Batas !935, Artikulo XIV, seksiyon 3
- Ingles at kastila ang wikang opisyal
- Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
- Panahon ng mga Hapon
- Ipinagamit ang katutubong wika partikular ang Wikang Tagalog
- Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, seksiyon 3- Panlahat tawaging Pilipino ang wikang Pambansa.
- (KWF) Komisyon sa Wikang Filipino
- Batas Republika Blg.7104(Agosto 14,1991)- bilang pamalit sa LWP
- Kautusan Blg.74 serye 2009-kagawarang ed. bilang bahagi ng kurikulum k-12
- Dr.Bienvenido Lumbera-Isang tagumpay sa nanawagan at nagsusulong ng isang makabayang edukasyon.
Comments
Post a Comment